^

Metro

Resulta ng toxicology exam matatagalan – PNP Crime Lab

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Inamin kahapon ng PNP-Crime Laboratory na matatagalan pa ang pagpapalabas ng resulta sa isinasagawang toxicology examination sa isa sa limang biktima na namatay sa close-up concert event sa Pasay City.

Ayon kay PNP Crime Laboratory Director P/Senior Supt. Emmanuel Aranas, normal na pro­seso ay 3 hanggang 4 linggo  ang kinakailangan bago makapagpalabas ng malinaw na resulta sa toxicology examinations.

Sa kabila nito, ipinaliwanag naman ni Aranas na pipilitin nila na makapagpalabas ng resulta sa loob lamang ng 2 linggo bagaman hindi dapat madaliin ang pagsusuri dahil importante na ma­ging tumpak ang resulta.

Iginiit ni Aranas na microscopic ang eksaminasyon kaya mabusisi ito at kapag may resulta na ay magsasagawa pa sila ng case conference kasama ang crime scene investigators at National Bureau of Investigation (NBI) para mapagkaisa ang detalye at matukoy ang ugat ng pagkamatay ng mga biktima.

Pahayag ni Aranas na ongoing pa rin ang examination sa labi ni Ken Migawa habang tumanggi ang pamilya ng isa sa limang biktima na ipasuri ang labi ng kanilang mahal sa buhay.

Samantalang una nang sinabing massive heat stroke ang sanhi ng pagkamatay ng dalawa sa mga biktima.

Nabatid pa na bumuo na rin ng Special Investigation Task Group (SITG) ang National Ca­pital Region Police Office (NCRPO) para tutukan ang imbestigasyon sa malagim na insi­dente sa pagkamatay ng limang party goers na nanonood sa concert.

Gayunman, nirerespeto ng NCRPO na huwag ng ipaawtopsiya ang ilan sa mga biktima.

Nabatid na kabilang naman sa binuong SITG na pinamumunuan ng deputy regional director ng NCRPO, district director ng SPD, CIDG-NCR, PNP Crime Laboratory at ang chief investigation ng SPD kasama ang Pasay PNP.

vuukle comment

LIBERAL PARTY

PDP-LABAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with