^

Metro

No coup vs Digong

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Ito ang tiniyak kahapon ni incoming National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr. kaugnay ng babala ni Senador Antonio Trillanes IV na nagbabadya umanong pabagsakin ng coup de etat ang papasok na admi­nistrasyon ni presumptive President Rodrigo Duterte.

Sinabi ni Esperon na hangga’t siya ang NSA ni Duterte ay walang ma­ngyayari at wala ring magtatangka ng kudeta laban dito dahil natuto na sa aral ng kasaysayan ang mga sundalo.

“They must be dreaming, they should think it over very thoroughly, it maybe that they are only good up to a threat,” paliwanag pa ni Esperon

Una nang nagbanta si Trillanes na mahaharap sa serye ng coup de etat si Duterte mula sa mga sundalo at opisyal ng militar kapag nagwagi itong Pangulo sa katatapos na eleksyon.

Si Duterte ay nagwagi ng milyun-milyong kalamangan laban sa mga katunggali sa presidential race at nakatakdang manumpa sa tungkulin sa Hunyo 30 kapalit ni PNoy.

Ipinupunto ni Trillanes na dahil sa plano ni Duterte na papasukin sa administrasyon nito ang mga lider ng komunistang grupo kabilang si CPP-New People’s Army (CPP-NPA) founder Jose Maria Sison ay ito ang magbubunsod upang mag-aklas ang mga sundalo at maglunsad ng serye ng kudeta.

Sinabi naman ni Esperon na maaring nagbababala si Trillanes dahil ito mismo ang naging utak ng nakalipas na kudeta noong Hulyo 2003 sa naganap na Oakwood mutiny sa Makati City laban sa administrasyon ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo.

“Let us see if there is really or maybe he is just talking through air. In case there is, then we will show them that staging coups are not solutions to problems,” pahayag ni Esperon na sinabi pang bigo ang mga inilunsad na kudeta ng grupo ni Trillanes.

Sa tala bilang dating Chief of Staff ni dating Pangulong Arroyo, nasilat ni Esperon ang mga iniumang na kudeta at iba pang uri ng destabilisas­yon na inilunsad ng mga dismayadong sundalo.

“Coup is, we have found, we have learned that it’s not a solution to our problems so they (Trillanes and his group) are wasting the time of the Filipinos, they’re wasting time and opportunities,” pahayag pa ni Esperon.

Matatandaan si Trillanes ay kilalang kritiko ni Duterte partikular na sa kasagsagan ng nakalipas na presidential campaign.

 

vuukle comment

CATHOLIC CHURCH

RODRIGO DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with