^

Metro

Trader pinatay sa loob ng computer shop

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Isang negosyante ang pinagbabaril hanggang sa mapatay ng mga sumalakay na ‘ri-ding-in-tandem’ sa loob ng binabantayan nitong internet shop, kamaka-lawa ng madaling-araw sa Navotas City.

Hindi na naisugod sa pagamutan ang nasawing biktima na nakilalang si Gilbert Naval, 38, may-asawa, at residente ng No. 6 Judge A. Roldan St., Brgy. San Roque, ng naturang lungsod.

Sa ulat ng pulisya, abalang binabantayan ng biktima ang kanyang internet shop na nasa tapat ng kanyang bahay dakong alas-2:10 ng madaling araw nang pumasok ang dalawang salarin at sunud-sunod na pinagbabaril si Naval.

Agad na tumakas ang dalawang salarin lulan ng isang motorsiklo habang bigo ang mga tauhan ng Police Community Precinct 2 na masakote ang mga ito sa ginawang pagres­ponde.

Narekober ng mga imbestigador ang limang basyong bala ng isang calibre .45 baril, isang slug at mga fragments ng bala.   Patuloy namang inaalam ng pulisya ang motibo sa naturang pamamaslang.

 

vuukle comment

CEBU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with