^

Metro

Libreng pag-aaral sa kolehiyo, tututukan ni Mons Romulo

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sinisiguro ni Pasig City Congressional candidate Ate Mons Romulo na maisasama sa annual General Appropriations Act (GAA) ang pagkakaroon ng karagdagang budget para sa agarang pagpapatupad ng Iskolar ng Bayan Law at ang Unifast Law, o ang libreng pag-aaral sa kolehiyo na parehong ginawa at binuo ng kanyang naka­babatang kapatid sa Kongreso na ngayon ay kumakandidatong senador na si Roman Romulo.

Sa libreng pagko-kolehiyo, hindi lang ang tuition fees ang dapat mali-libre kundi dapat ay magkaroon na rin ng allowance para sa kakailanganin sa eskuwelahan at mga libro ng mga estudyante.

Ayon kay Romulo, ‘‘Ka­i­­langang-kailangan na maglaan ng karagdagang budget para masiguro ang kinabukasan ng mga kabataang Pinoy na hindi kinakaya ang gastusin ng pamilya sa pagpapaaral.

Sila ang dapat binibig-yan ng prayoridad dahil kung lahat ay magkakaroon ng pagkakataong makatapos sa kolehiyo, walang mga kabataang malululong sa masamang bisyo.’’

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with