^

Metro

2 ‘tulak’ itinumba

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patay makaraang pag-babarilin ang dalawang lalaki na hinihinalang mga tulak ng iligal na droga sa gitna ng maraming tao sa Caloocan City, kahapon ng umaga.

Nakilala ang mga nasawi na sina Ryan Bantilan, at Jimmy Boy Garcia, 40, kapwa residente ng 2nd  Ave­nue, Brgy. 43, ng naturang lungsod.

Sa ulat ng Caloocan City Police-Station Investigation Section, nag-uusap ang dalawang nasawi kasama ang isang Froilan Molino sa may C. Namie Street, 2nd Avenue, Brgy. 43 dakong alas-8:30 ng umaga nang huminto sa tapat nila ang isang motorsiklo lulan ang dalawang salarin.

Agad na nagbunot ng baril ang angkas ng motor at binaril ang dalawang bikti- ma saka nagsitakas.

Nabatid na nadakip kamakailan ng mga tauhan ng Caloocan Police Station Anti-Illegal Drugs Special Operation Task Group (SAID-SOTG) ang dalawang nasawi na nagawa namang makapagpiyansa at makalaya nitong nakaraang buwan ng Abril.

Hinihinala naman na posibleng sindikato rin ng iligal na droga ang nasa likod ng pamamaslang dahil sa posibleng onsehan sa kanilang grupo.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with