^

Metro

Bebot itinumba sa Quezon City

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Dead on the spot ang isang babae makaraang pagbabarilin sa ulo ng hindi nakikilalang salarin sa madilim na bahagi ng Brgy. Culiat sa Quezon City, kahapon.

Sa ulat ng Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU), ang biktima ay nakilala sa pamamagitan ng kanyang identification card na si Gina Atahil, alyas Leah, 42 ng Lanao St., Salaam compound, Brgy. Culiat sa lungsod.

Ayon kay PO2 Jogene Hernandez, may hawak ng kaso, patuloy pa rin silang nangangalap ng impormasyon upang mabatid kung sino ang bumaril sa biktima.

Sa imbestigasyon, nangyari ang insidente sa may kaha­baan ng Mujahiden St., kanto ng Labian St., Salaam compound­, Brgy. Culiat, dakong alas-4:30 ng madaling araw.

Kuwento ng brgy. tanod na si Nanjie Macarampat, habang nasa barangay hall umano siya at naka-duty ay isang concerned citizen ang nag-imporma sa kanya kaugnay sa insidente ng pamamaril sa nasabing lugar.

Sa imbestigasyon ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) sa crime scene ay nakakuha ang mga ito ng isang tingga mula sa hindi mabatid na bala habang ang biktima naman ay nagtamo ng dalawang tama ng bala sa ulo.

Patuloy ang imbestigasyon ng otoridad sa naturang insidente.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with