^

Metro

Kelot binoga sa ulo, utas

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Isang binata ang iniulat na nasawi dahil sa mga tama ng bala sa kanyang ulo makaraang pagbabarilin sa isang barangay sa Quezon City kamakalawa.

Si Jason Mercado, 27, ng Bolaños compound, Barangay Tatalon ay nasawi matapos ang halos apat na oras na gamutan, ayon kay PO2 Virgilio Mendoza, may hawak ng kaso.

Blangko naman ang awtoridad sa pagkakakilanlan ng salarin dahil walang gustong magsalita sa mga residente kaugnay dito sa takot na sila naman ang balikan.

Base sa pagsisiyasat ni Mendoza, nangyari ang insidente sa may kahabaan ng Manunggal St., Brgy. Tatalon, dakong alas-2:10 ng hapon.

Naisugod pa sa ospital ang biktima subalit  apat na oras na surgical operation ay binawian din ng buhay, dakong alas-6:35 ng gabi.

Sa imbestigasyon, ang biktima ay nagtamo ng dalawang tama ng bala sa ulo at contusion sa bahagi ng kanyang kanang mata. Patuloy ang imbestigasyon ng otoridad sa nasabing insidente.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with