^

Metro

Obrero tumba sa suntok ni kuya

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Patay ang isang 23-an­yos na construction worker nang pagsusuntukin ito ng kanyang kuya makaraang magtalo dahil sa kanilang tra­baho kahapon sa Taguig City.

Dead on arrival sa Mandaluyong Medical Center ang biktimang si Jerick Sua­rez, ng Miranda St., Zone-2, Brgy. Central Signal Village, Taguig City, nagtamo ito ng matin­ding pinsala sa ulo.

Samantalang ang kuya naman nitong si Jayson Suarez, 26, isa ring construction worker, ay nasa custody ngayon ng pulisya at iniha­handa na ang kasong isasampa laban dito.

Base sa report na natanggap ni Senior Supt. Ramil Ra­mirez, hepe ng Taguig City Police, naganap ang insi­dente alas-11:20 ng umaga­ sa pinagtratrabahuhan ng mag­kapatid sa Menarco Tower Project Staging Area sa panu­lukan ng 9th at 11th Sts., Bonifacio Global City (BGC), Brgy. Fort Bonifacio ng natu­rang siyudad.

Nabatid na kasalukuyang nagtatrabaho ang magka­pa­­tid nang sitahin ng suspect ang nakababatang ka­­­­patid na may kaugnayan sa kanilang trabaho na hu­man­tong sa mainitang pagta­talo.

Sa sobrang galit nang suspect, pinagsusuntok nito ang nakababatang kapatid hanggang sa tinamaan ito sa panga at matumba at ma­walan ng malay.

Dali-daling isinugod ang biktima ng kanyang mga ka­samahan sa trabaho sa na­­tu­rang ospital, subalit idineklara rin itong DOA, samantalang ang kuya naman nitong si Jayson ay kaagad dinala  sa himpilan ng pulisya.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with