^

Metro

700 truckloads basura nahakot sa clean up drive ng MMDA

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Umabot na sa mahigit 700 truckloads ng basura ang na­hakot sa  pagpapatuloy ng clean up drive ng Metropo­litan Manila Development Autho­rity (MMDA).

Sinabi ni Baltazar Melgar, ng MMDA flood control and sewerage management­ office, ang nahakot na kabu­uang 6,864 kubikong metrong basura na katumbas ng 720 truckloads ay mula lamang sa pitong pangunahing dalu­yan ng tubig sa Metro Manila.

Kabilang dito ang North at South Open Canal, Estero de San Miguel, Estero de Quiapo­, Estero Tripa de Ga­llina, Cut-Cut Creek, at Pasong Diablo River.

Lahat umano ng uri ng basura tulad ng sirang applian­ces, furniture,  plastic con­tainers, styrofoam, gulong ng sasakyan, putol-putol na bakal, cable wires at mga sirang pagkain ay nakuha mula sa nabanggit na  creeks at kanal.

Ang clean up drive  ay bilang bahagi na rin ng paghahanda ng ahensya sa pagda­ting ng panahon ng tag-ulan.

Samantala, may pana­wa­gan ang environmental watch­dog na EcoWaste Coa­lition sa publiko na tumulong  na mapanatiling  malinis ang lahat ng daluyan ng tubig.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with