^

Metro

Parak kritikal sa boga ng kabaro

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang bagitong pulis ang nasa kritikal na kondisyon nang barilin ng kanyang kabaro na sugatan din matapos magtalo ang mga ito dahil sa umano’y pakikialam ng huli sa isang traffic accident na hindi naman nito hurisdiksiyon, kama­kalawa ng gabi sa Pasay City.

Nabatid na comatose nga­yon sa San Juan De Dios Hos­pital ang biktimang si PO1 Eduardo Lomboy, 34, nakatalaga sa Buendia PCP, Pasay City Police, sanhi ng tinamong tama ng bala sa leeg na tumagos sa likuran mula sa 9mm na baril.

Nakakulong naman nga­yon sa Pasay City Police de­ten­tion at nahaharap sa kasong Frustrated Murder at palabag sa RA 10591 in rela­tion to RA 7166 (Omnibus Election Code) ang suspect na si PO1 Kris Christopher Lacap, 35, nakatalaga sa Cavite Provincial Police Office  at nakatira sa  F.B Harrison St., Pasay City.

Ayon kay Senior Supt. Joel Doria, hepe ng Pasay City Police, naganap ang insidente alas-11:30 ng gabi sa panulukan ng F.B. Harrison at David St., ng naturang lungsod.

Nabatid na rumesponde ang mga pulis na nakatalaga sa Buendia PCP kasama si PO1 Lomboy sa isang traffic accident at nagkataong naroon din ang suspect na si PO1 Lacap na nakasando at naka-short lamang na may sukbit na baril.

Kung saan bigla na lamang nakialam ang suspect sa naturang imbestigasyon kaya sinabihan ito ni PO1 Lomboy na huwag itong makialam, na bukod sa lasing ay hindi pa nito hurisdiksiyon ang lugar.

Nagalit umano si Lacap at binunot nito ang kanyang service firearm hanggang sa paputukan nito si P01 Lomboy.

Dahil dito ay gumanti ng putok ang mga kasamang pulis ni PO1 Lomboy hanggang sa tinamaan sa paa at hita si  PO1 Lacap.

Matapos ang insidente ay kaagad na dinala sa naturang ospital ang nasabing mga bagitong pulis, subalit si PO1 Lomboy ay nasa kritikal na kondisyon.

Matapos lapatan ng lunas si PO1 Lacap, dinakip ito ng mga kagawad ng Pasay City Police.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with