^

Metro

Fire hydrant tumagas: Bahagi ng EDSA nagmistulang ilog

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kung ang maraming taha­nan ay nagkukulang sa suplay ng tubig, sa bahagi ng Edsa sa Quezon City naman ay nag­mistulang naging ilog makaraang bumulwak ang tubig mula sa isang fire hydrant dito, kahapon ng umaga.

Dahil sa pangyayari, marami sa mga pedestrian na nagdadaan sa lugar ang nagtanggal ng sapatos. Maging ang mga sasakyang nagdadaan dito ay bumagal ang daloy sanhi para magkaroon ng bahagyang pag­bubuhol ng trapik.

Ayon sa isang residente sa lugar, ganap na ala-1 pa ng madaling araw nang magsimulang bumulwak ang tubig sa fire hydrant sa bahagi ng EDSA kanto ng Eugenio Lopez Sr., St. sa Brgy. South Triangle makaraang maiwan umanong bukas ng mga bumbero ang fire hydrant matapos na magkarga ng tubig.

Ilang minuto ay huminto ang pagtagas nito, subalit ma­kalipas ang ilang oras ay mu­ling bumulwak ito kaya naman nagdulot ng pagsisikip ng daloy ng trapiko sa lugar.

Alas-8 na ng umaga nang tuluyang maiayos ng pamu­nuan ng Manila Water ang nasa­bing pagtagas. Sinasabing luma na ang nasabing hydrant kaya dapat na itong palitan. Naglagay na rin ang pamunuan ng harang sa paligid ng hydrant para hindi na ito muling magalaw.

Sinasabing nagawang iwan ng bumbero na tumatagas ang hydrant makaraang hindi nila ito masara dahil sira na umano ang balbula at ipagbibigay alam na lang umano nila ang pangyayari sa pamunuang nakakasakop dito.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with