^

Metro

Fil-Am murder suspect pinabalik ng Pinas

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pinatapon na pabalik sa Pilipinas ang Filipino-Ameri­can na suspek sa brutal na pagpaslang sa isang dala­gang bestfriend ng kaniyang misis, na nadiskubreng sunog ang bangkay, nakagapos ang mga kamay at paa at mara­ming tama ng bala sa ulo  sa Sto. Tomas River, Maculcul Bridge, Barangay Malicmot, San Felipe, Zambales noong Hulyo  25, 2015.

Ineskortan ng mga tauhan ng Federal Bureau of Investigation (FBI)  pabalik ng bansa ang suspek na kinilalang si Jo­nathan Dewayne Ciocon Viane sa bisa ng extradition request sa US government ng  pamahalaan at kasamang sumundo ang NBI-Interpol Division sa Los Angeles California. Dumating sila sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) noong nakaraang Linggo.

Si Viane ay kapwa aku­sado ng naarestong suspek na si Niño Dela Cruz, sa kasong murder na isinampa ng mga kaanak ng biktimang si Karieces De Dios Mojica, alyas Aika.

Nabatid na noong Agosto­ 18, 2015 ay nag-isyu ng war­rant of arrest  laban kay Viane si Judge Consuelo Amog-Bucar ng Branch 71 ng Regional Trial Court ng Iba Zambales matapos iakyat sa korte ang kasong murder na walang inirekomendang piyansa.

Nabatid na noong Peb­rero 29, 2016 nang aprubahan at sertipikahan ng US District Court for Southern District of Iowa na extradi­table si Viane sa kasong murder na naganap­ sa Pilipinas, ipinaalam agad ito ng Department of Justice (DOJ) sa NBI-Interna­tional Operations Division (NBI-IOD)  nang ipaalam naman ng United States Department of Justice Attache sa Manila.

Lumalabas na si Viane ang pangunahing suspek o utak sa pagpatay kay Mojica, dahil ito ang huling nakitang kausap ng biktima bago ito natagpuang patay.

Kaibigan umano ng maybahay ni Viane si Mojica at ito ang gumagawa ng paraan para madala sa US ang 4-na taong gulang na anak ng mag-asawa at tagasumbong umano kung ano ang ginagawa ng suspek sa PIlipinas.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with