^

Metro

‘Tuloy ang laban ko!’-- Cong. Asilo

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Tiniyak ni  Manila 1st District Congressman Ben­jamin “Atong” Asilo na tuloy ang kanyang kan­didatura bilang vice Mayor ng Maynila sa kabila ng pag-iwan sa kanya ni da­ting Manila Mayor Alfredo  Lim.

“Magpapatuloy ako sa aking paglilingkod na ipinagkaloob sa akin ng mamamayan simula pa noong ako’y maging barangay kagawad, kapitan ng barangay, konsehal ng lungsod at ngayo’y matatapos ang termino ko bilang kongresista,” ani Asilo.

Ayon kay Asilo hindi niya hawak ang kalooban ng butihing alkalde, subalit bilang isang partyman sa loob ng kanilang partido ay mayroong silang pro­sesong sinusunod at hindi isang tao lamang nagdedesisyon.

Sinabi pa nito na ang mamamayan ng Tondo ang nagtulak sa kanya na tumakbong Vice Mayor ng Maynila matapos niyang maipakita sa mahabang panahon ang tapat at tunay niyang paglilingkod.

Kabilang sa mga nagawa ni Asilo ang pagpapatayo ng college bldg. sa Arroceros Campus na tinawag na City College of Manila, Tondo Annex at ang kasalukuyang ginagawang City College of Manila sa Tondo. Aabot ng 5,000 mga bata ng Tondo ang nabigyan ng pantay na opurtunidad sa pag-aaral.

Bukod dito, nakapagpagawa din siya ng me­dium rise building o tinawag na public condominium na bukod sa may club house ay mayroon ding swimming pool.

Idinagdag pa ni Asilo na ang kanyang tunay na boss ay ang mamamayan na tumangkilik sa kanya sa Tondo mula pa noong siya’y kagawad, barangay chairman, konsehal ng Maynila at ngayon bilang na ika-9 na taon na bilang kongresista ng Tondo.

Patuloy niyang tututulan ang pagsasapribado ng mga public markets at ang pagtataguyod, pagsuporta at pagpapasigla ng mga kooperatiba sa lungsod.

“Sa pangyayaring ito tuloy ang aking kandidatura bilang vice mayor sa ilalim ng Liberal Party dahil naniniwala ako na makakapagbigay ako ng tapat na serbisyo sa mga taga-Maynila,” pahayag pa ni Asilo.

Matatandaan na na­nguna si Asilo sa isang survey noong Marso na kung saan siya ay nakakuha ng 32.2% laban sa 28% na pinakamalapit niyang karibal.

Kasabay nito, pinabulaanan naman ng mga tapat na tagasuporta ni Asilo ang diumano’y pag­lipat nila sa kabilang kampo dahil sa paglaglag ni Lim kay Asilo.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with