^

Metro

Nagpahangin sa covered court inutas

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Isang 55-anyos na lalaki ang binaril at napatay habang nagpapahangin sa covered court sa Islamic Center­, Carlos Palanca St., San Miguel, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Dead on arrival sa Philippine General Hospital ang biktimang si Basari Mortarba, residente ng C. Palanca­  St., San Miguel.

Inilarawan naman ang suspek na nakasuot ng shortpants at may body bag  na tumakas hawak ang baril.

Sa ulat  ni PO3 Michael Marragun ng  Manila Police Disrict-Homicide Section, naganap ang insidente dakong alas-7:00 ng gabi sa nabanggit na lugar.

Sinabi ng maybahay nito na si Noraida, 36,  na nag­paalam ang biktima na magpapahangin dahil sa sobrang init sa loob ng kanilang bahay. Hindi pa umano nagtatagal nang makarinig siya ng dalawang putok ng baril .

Dito niya nakita ang  asawa na naliligo sa sariling­ dugo at may tama ng bala sa ulo at dibdib.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with