^

Metro

100 bahay naabo

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Tinatayang nasa 200 pamilya ang nawalan ng tirahan makaraang tupukin ng may tatlong oras na sunog ang kanilang bahay, kamakalawa ng gabi sa Muntinlupa City.

Sa ulat ng Bureau of Fire Protection (BFP), da­kong alas-9:30 ng gabi nang sumiklab ang apoy sa isang residential area sa Purok 6 Brgy. Putatan, ng naturang lungsod.

Sa bahay ng isang na­kilalang Joel Lopos uma­no nagmula ang apoy na mabilis na kumalat at tumupok sa mga bahay ng kapitbahay nito na karamihan ay gawa sa light materials.

Dakong alas-12:30 na ng Linggo ng madaling araw nang makontrol ang pag­kalat ng apoy na uma­bot sa Task Force Charlie.

Pahirapan umano ang paglaban sa apoy lalo na’t napakakikitid ng mga daanan sa naturang lugar na hindi mapasok ng mga trak ng bumbero.

Umabot sa P700,000 ang tinatayang halaga ng pinsala habang masu­werte namang walang na­iulat na nasawi sa insidente. Nabatid naman na da­lawa ang nasugatan ka­bilang na ang isang fire volunteer na nabali ang buto sa braso.

Problema sa linya ng kuryente ang tinitignang pinagmulan ng apoy da­hil­ sa sala-salabat na ko­neksyon.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with