^

Metro

3 kelot timbog sa pot session

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Arestado ang tatlong lalaki matapos maaktuhan ng pulisya na nagsasagawa ng pot session sa isang bahay sa may Barangay F. Rodriguez, Quezon City kahapon ng madaling araw.

Sa ulat ng Cubao Po­lice Station 7, nakilala ang mga suspect na sina Reynaldo Moraleda, 19, Jonathan Sol, 31, at Ramil Balonza, 25, pawang mga residente ng 138 Ermin Garcia St. ng natu­rang ba­­rangay.

Ayon kay PO2 Richie E. Gaerlan, imbestigador sa kaso, isinagawa ang pagsalakay dakong alas-2 ng madaling araw nang makatanggap ng impormasyon ang istasyon na mayroong nagaganap na pot session sa no. 136 Compound ng naturang lugar, pasado 2:00 ng madaling araw.

Nasamsam mula sa lugar ang tatlong plastic sachet na naglalaman ng iligal na droga at mga paraphernalla sa pagsasagawa ng naturang gawain.

Kasalukuyan nang nakapiit ang mga suspect para sa kaukulang disposisyon ng kanilang kaso.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with