^

Metro

Sales clerk binoga sa mukha, dedo

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Patay ang isang sales clerk matapos barilin sa mukha ng isa sa dalawang armadong lalaki sa loob ng kanyang bahay sa may Brgy. Batasan Hills, Quezon City, kahapon ng madaling araw.

Sa ulat ng Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU), nakilala ang biktimang si Orlando Parane, 39, residente ng No. 50 Kalayaan Extension ng nasabing lugar.

Nagtamo ang biktima ng isang tama ng bala sa kanang bahagi ng kanyang mukha na tumagos sa likurang bahagi ng kanyang ulo.

Base sa imbestigasyong ni PO2 Louie Serbito, may-hawak ng kaso, lumalabas na naganap ang insidente sa ikalawang palapag ng isang bahay sa No. 10 Kaibigan St., ng nasabing barangay, dakong alas-12:15 ng madaling araw. 

Ayon sa isang Myrna Cantalla, nakita niyang lumabas ang mga suspect mula sa main door ng bahay ng biktima na nagmamadaling tumakbo palayo sa lugar. Agad umano siyang pumanik sa ikalawang palapag kung saan niya nakita ang biktima na duguang nakahan­dusay sa lapag.

Sa puntong ito, mabilis na humingi ng tulong si Cantalla sa kanilang Purok Leader na si Esterlita dela Vega na siya namang tumawag ng otoridad para sa kaukulang disposisyon.

Base sa pagsisiyasat ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) sa crime scene, nakarekober ang tropa sa lugar ng  isang kalibre 45, isang magazine na may lamang anim na bala, isang basyo ng kalibre 45, isang bala ng kalibre 38, isang plastic sachet, isang aluminum foil, at dalawang lighter.

Inaalam pa rin ng  mga otoridad ang motibo sa krimen. Ricky T. Tulipat with trainee Mike Jude Botardo

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with