^

Metro

Biyuda utas sa kainuman

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Isang biyuda ang pinatay sa saksak ng kanyang kainumang lalaki kamakalawa sa Pasay City.

Dead on the spot ang biktimang si Ronna­ Gulariza, 46, ng Promised Land, Merville Access­ Road, Brgy. 201 ng naturang lungsod sanhi ng tinamong mga saksak sa ibat-ibang bahagi ng katawan.

Ayon kay Senior Supt. Joel B. Doria, hepe ng Pasay City Police, binubusisi na nila ang kuha ng CCTV camera para sa pagkaka­kilanlan ng suspect na hinihinalang naka­inuman ng biktima.

Base sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, alas-4:30 ng madaling araw, narinig ng kapitbahay ng biktima na si Lorena Abonita, 40 matapos itong manggaling ng comfort room, na may lalaking kumakatok sa pintuan ng bahay ni Gulariza.

Dahilan upang buksan ni Abonita ang ilaw  sa labas at pagsilip niya ay nakita nitong may nakatayong lalaki sa harapan ng bahay ng biktima at tinanong nito kung sino ang hinahanap nito.

 Sumagot ang lalaki at sinabing hina­hanap nito ang isang “ate Rona”, ang biktima ang tinutukoy nito, dahil naiwan aniya nito ang kanyang cellphone sa loob ng bahay nito.

Nakiusap ang suspect kay Abonita na patayin nito ang ilaw at siya namang ginawa nito at bumalik na  ito ng kanyang higaan.

Pagkalipas ng ilang minuto ay narinig ni Abonita na sumisigaw ang biktima, na sinasabi ang katagang “Ano ba yan”.

Alas-10:45 ng umaga pagdating ni Mark Roniel Doledo, anak ng biktima, natagpuan nito ang duguang ina (ang biktima), na wala ng buhay at tadtad ng saksak sa ibat-ibang bahagi ng katawan.

Ayon sa mga kaanak ng biktima, wala naman silang nalalaman na may nakagalit ito.

Nagsasagawa na ng follow-up operation ang mga pulis hinggil sa insidente para sa aga­rang ikadarakip ng suspect habang ina­alam na rin ang motibo sa pamamaslang.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with