Grade 9 pupil lasog sa hit and run
MANILA, Philippines – Patay ang isang binatilyo nang masagasaan at takbuhan ng tractor head na may hilang trailer habang tumatawid sa northbound lane ng Nagtahan Flyover sa harap ng EARIST School sa Sta. Mesa, Maynila, kamakalawa ng hapon.
Dead on arrival sa Philippine General Hospital (PGH) ang biktimang si Marliex Vital,15 at residente ng Rulloba, panulukan ng Valencia Sts., Sta. Mesa, Maynila na napisak ang mata at lasog ang balakang.
Hindi naman naplakahan ang nasabing truck na mabilis na tumakas. Nabatid na naganap ang insidente alas- 12:36 ng madaling araw sa Nagtahan Flyover.
Sa ulat ni Manila District Traffic Enforcement Unit (MDTEU) SPO1 Richard Borbon, naisugod pa ng mga tauhan ng Metro Manila Development Authority (MMDA) Rescue Team sa pagamutan ang biktima subalit hindi na umabot ng buhay.
- Latest