Signaling system nasira, MRT-3 nagkaaberya na naman
MANILA, Philippines – Muli na namang nagkaaberya ang biyahe ng Metro Rail Transit (MRT-3) kahapon ng umaga, na nagresulta sa pagkaperwisyo ng mga commuters. Isang oras na nagpaupad ng provisional operation ang pamunuan ng MRT-3 dahil sa problema sa signaling system. Batay sa ulat, mula alas-6:00 ng umaga ay sa North Avenue hanggang Shaw
Boulevard stations lamang at pabalik, ang biyahe ng MRT-3.
Wala namang biyahe mula Shaw Boulevard hanggang Taft stations at pabalik, bunsod ng signaling problema sa train system, ayon sa guwardiya ng istasyon. Naibalik sa normal ang operasyon ng tren dakong alas-7:03 ng umaga. Ayon sa operation center ng MRT-3, 12 tren lamang ang bumiyahe at nagserbisyo sa mga pasahero kahapon na dapat sana ay 18-20 araw-araw.
- Latest