^

Metro

85-anyos na lola nakitaan ng bala sa NAIA

Rudy Santos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Isang 85-anyos na lola patungong Canada ang pan­samantalang pinigil sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ng mga ta­uhan ng Office of Transportation Security (OTS) makaraang makitaan ng bala sa kanyang check-in luggage. Gayunman makalipas ang ilang minuto ay pinayagan na rin itong ma­kabiyahe.

Nauna rito tinawagan ng pansin ni Bryan Rivera, OTS security screening­ officer ang may-ari ng kulay green na hard case luggage (walang side pockets­ at may padlock) na naka­pa­­ngalan kay Crisencia Pabustan, 85, tubong Pampanga at balik-bayan buhat Canada makaraang makitaan ng bala sa x-ray monitor.

Ayon naman kay Priscilla Pabustan Velasco, 62, anak ni lola Crisencia na siya mismo ang nag-impake ng kanilang bagahe kaya siya nagtataka kung bakit nagkaroon ng bala sa bagahe ng ina.

“May magic yata dito sa airport”, pahayag naman ni Anthony Pabustan, anak din ni Crisencia.

Inutusan na lamang ni OTS team leader Buenvenido Ross si Priscilla na alisin na lamang ang bala sa bagahe ng ina.

Ayon kay Ross nais  nilang tulungan si lola at naniniwala silang hindi ito maglalagay ng bala sa ba­gahe.

Ininspeksyon naman ni Police Inspector Rey Dooc ang nakuhang bala at naberipika na ito ay isang “amulet”.

Ang naturang bala ay buhat sa cal. 45 na wala ng gunpowder at napalitan na rin ang bullet head kaya lumalabas umano na walang liability dahil sa hindi ito live bullet at hindi kinokonsiderang am­munition.

Kinumpiska na lamang ito ng pulisya. Matapos nga ang ilang minute ay pina­yagan na ang mag-iina na makabiyahe patungong Ca­nada lulan ng Eva Air.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with