^

Metro

1 pang hacker ng Comelec website arestado

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nadakip na rin ng mga operatiba ng National Bureau of Investigation (NBI) ang ikalawa sa tatlong suspek sa pang­ha-hack ng Comelec web­site.

Kahapon ay iprini­sinta nina NBI Diretor Virgilio Mendez at Co­melec Commissioner Andres Bautista ang suspek na kinilalang si Joenel De Asis, 23, graduate ng Information Techno­logy, residente ng Putatan, Mun­­tinlupa City at  nagtatrabaho  umano sa isang semi-conductor firm.

Si De Asis ay kasama ng una nang dinakip na si Paul Biteng, at isa pang tinutugis ng NBI, sa pag-deface at pag-download ng voters list ng Comelec noong Marso­  27 at 28.

Dinakip si De Asis sa bisa ng search warrant na kinuha ng NBI matapos ang dalawang linggong digital surveillance laban sa kaniya ng NBI Anti-Cybercrime Division sa pamumuno ni Atty. Ronald Aguto.

Ikinakasa na rin ang pagdakip sa isa pang suspek na inaasahang maganap bago pa ang halalan sa Mayo 9.

Sa kasalukuyan, nasa kustodiya pa rin ng NBI si Paul  Biteng dahil hindi pa ito nakapaglalagak ng piyansa sa mga kasong iniharap ng NBI.

Inamin ni de Asis na si Biteng ang pumasok at siya ang kumuha ng mga data partikular­ na sa voters list data kung saan nai-upload sa may 340 mb.
 Tiniyak naman ni Bautista na sasampahan ng kaso katulad ng isinampa kay Biteng si de Asis.

Idinahilan din ni De Asis na gusto lamang niyang patunayan kung secured ang website ng Comelec nang ito ay ka­nilang pasukin o ma-hack subalit aniya, nasa 5 porsyento lamang ng Comelec website ang kanyang na-hack at secured naman umano ito ng 95 porsyento.

Lumalabas umanong mastermind si De  Asis, at si Biteng ang katulong sa ginawang pagha-hack habang ang isa pang suspek ay nanonood lamang sa kanilang ginagawa.

Inamin din nito na isang beses pa lamang silang nagkita ni Biteng at hindi rin siya miyembro  ng Anonymous  Phi­lippines.

Hawak na rin ng NBI ang computer at mobile phone ni De Asis  maka­raang makita doon na kinopya nito ang voters­list at iba pang data sa Comelec website.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with