^

Metro

Lim susuporta kay Ali

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

Asilo pinakiusapang magbigay-daan 

MANILA, Philippines - Mismong ang nagbabalik na si dating Manila Mayor Alfredo S. Lim na ang nagkumpirma na susuportahan niya at ng kaniyang kampo ang kandidatura ng tuma­takbo sa pagka bise-alkalde na si Ali Atienza at kukumbinsihin ang ka-tandem na si Congressman Atong Asilo na magbigay-daan na lamang sa laban, kasunod ng naglabasang survey na maliit ang tsansa nito. Inihayag ito sa isinagawang press conference kahapon ng umaga sa Aristocrat Restaurant sa Malate, Maynila.

Ang paghahayag ni Lim ay bunsod ng pagtatanong ng kolumnista na si Julie Yap-Daza,  kung  totoo ang pagkakaroon ng alyansa ni Lim at Atienza, gayung ang huli ay tandem ng tumatakbong si Manila 5th District Repre­sentative Amado Bagatsing. Napag-usapan na umano nila ito ni Rep. ng ama ni Ali na si Rep. Lito Atienza na nagsabing humiwalay na ang anak kay Bagatsing.

Dagdag pa niya, kahapon ay nakatakda niyang ka­usapin si Asilo na mag-‘give way’ na lang at sakaling ma­nalo ang kanilang tandem ni Ali ay bibigyan ng posis­yon sa department ng Manila City hall si Asilo. Ikinunsidera ni Lim na mas praktikal na sumuporta na lamang kay Ali dahil nangunguna ito sa survey habang si Asilo ay kulelat.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with