^

Metro

Barker binistay ng bala

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Utas ang isang barker makaraang pagbabarilin ng isang lalaki dahil sa umano’y dating alitan sa Brgy. Kamuning, Quezon City kahapon ng mada­ling araw.

Kinilala ang biktima na si Jisifino Riaso, 39, binata ng 12-A Park Avenue sa nasabing barangay.

Ayon sa ulat ni PO2 Jogene Hernandez, ang suspect ay mabilis ding tumakas makaraan ang isinagawang krimen.

Nangyari ang insidente sa harap ng isang pawnshop na matatagpuan sa may kahabaan ng L-Shangyo Street, kanto ng K-2 St., sa naturang barangay, ganap na ala-1:20 ng madaling araw.

Bago ito, naglalakad sa naturang lugar ang biktima papauwi matapos ang kanyang pagba-barker sa Timog Avenue ng pagbabarilin ng suspect. Agad ding tumakas ang suspect makaraan ang pamamaril.

Dating kaalitan ng biktima ang sinasabing suspect sa pamamaril bagay na iniimbestiga­han ngayon ng awtoridad.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with