^

Metro

5-anyos na paslit natusta sa sunog

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Natusta nang buhay ang isang 5-anyos na paslit, samantalang tatlo pa ang sugatan habang tinatayang aabot sa hu­migit-kumulang sa 300 pamilya ang nawalan ng tirahan nang masunog ang ilang kabahayan kahapon ng madaling araw sa Taguig City.

Dead on the spot ang biktimang si Christine Noces, matapos itong ma-trap sa loob ng kani­lang  bahay hanggang sa masunog  nang buhay sa Purok 6, Ka­wa­­yanan, Cayetano St., Brgy. Tuktukan ng naturang lungsod.

Iniimbestigahan pa ng mga awtoridad, kung nasaan ang mga magulang ni Notes habang naga­ganap ang sunog.

Samantala, nakilala na­man ang mga sugatan na sina Aldrin Carbon; Marites Fernandez at Car­mina Alfonso.

Ayon sa imbestigas­yon ni SFO1 Aresteo Reloj, ng Taguig City Bureau of Fire, nagsimula ang sunog pasado alas-12:00 ng madaling araw sa bahay ng isang Benjie German, kapitbahay ng nasawing si Notes.

Dahil gawa lamang sa lights material ay mabilis na kumalat ang apoy sa iba pang kabahayan at tinatayang humigit kumulang sa 300 pamilya ang nawalan nang matitirhan.

Kamuntik ng mada­may ang isang warehouse malapit sa nasunog na residential area, ngunit naagapan ito sa tulong ng matataas na firewall ng establisimiyento.

Umabot sa ikalimang alarma ang sunog bago idineklarang fire under control ala-1:50 kahapon ng madaling araw.

Ayon sa mga awto­ri­dad, tinatayang­ aabot sa P300,000 ha­laga ng mga ari-arian ang napinsala, na tumupok  sa  20 kabahayan.

Isa sa mga sinisilip na pinagmulan ng apoy ay ang napabayaang nakasinding kandila dahil wala raw kuryente sa bahay nina German nang mangyari ang sunog.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with