^

Metro

Transformer ng kuryente sumabog: Biyahe ng LRT-1 nagka-aberya

Mer Layson at Lordeth Bonilla - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nagkaroon ng aberya ang biyahe ng Light Rail Transit (LRT-1) makaraang maapektuhan ang daloy ng kuryente dahil sa sumabog na transformer ng Meralco kahapon ng umaga.

Ayon kay Operations Director Rodrigo Bulario, may sumabog na transformer sa may LRT-1 depot na nagresulta sa pagkawala ng kuryente sa kanilang mga tren. Sinasabing ang pagsabog ay dulot ng malakas na pag-ulan sa lugar bago mag- alas-6:00 ng umaga.

Dahil sa insidente ay nalimitahan ang source ng power at naapektuhan ang operasyon ng mga tren, na napilitang gumamit ng backup po­wer supply at rectifier.

Nabatid na mula sa dating tuwing ikatlong minuto ay naging tuwing ika-15 minuto na lamang nakakaakyat ang mga tren sa LRT-1 depot, na naging sanhi upang bumagal ang ope­rasyon nito. May wa­long tren lamang ang bumibiyahe na siyang kayang suplayan ng kanilang kuryente.

Kaagad naman ki­num­puni ng mga personnel ng Manila Electric Com­pany (Meralco) ang sumabog na transformer upang muling manumbalik ng magandang daloy ng supply ng kuryente.

Dakong alas-7:00 ay nasa 20 tren na ang nakabiyahe at ganap na nagbalik sa normal ang operasyon bandang alas-9:00 na ng uma­ga makaraang ma­ga­mit ang 28 bagon ng LRT.
 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with