^

Metro

Batang babae patay sa sunog sa Taguig

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Isang limang-taong gulang na babae ang nasawi sa sunog ngayong Huwebes sa lungsod ng Taguig, habang tatlo pa ang sugatan.

Nakilala ang biktimang si Christine Notes na naipit sa loob ng nasusunog nilang bahay sa Purok 6 sa kalye ng Cayetano sa Barangay Tuktukan.

Ayon sa mga awtoridad, nagsimula ang sunog sa bahay ng isang Benjie German na kaagad kumalat sa 20 katabing mga bahay.

Gawa ang mga natupok na bahay sa light materials kaya naman madali itong nasunog.

Sugatan din sa sunog sina Aldrin Carbon, Marites Fernandez at Carmina Alfonso.

Umabot sa ikalimang alarma ang sunog na kaagad namang naapula ganap na 1:50 ng umaga.

Inaalam pa ang sanhi ng sunog, ngunit ayon sa ilang residente ay dahil ito sa naiwanang kandila.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with