^

Metro

Habang nagsasagawa ng surveillance parak utas sa sindikato ng droga, 1 pa sugatan

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Patay ang isang tauhan ng Caloocan City Police nang pagbabarilin ng mga miyem­bro ng isang sindikato ng iligal na droga habang nagsasagawa ng surveillance o paniniktik ang mga operatiba ng anti-narcotics sa hinihinalang kuta ng grupo sa naturang lungsod, kama­kalawa ng gabi.

Nakilala ang nasawi na si PO2 Mark Ifor Pacheco, 31, miyembro ng Station Anti Illegal Drugs-Special Operations Task Group ng Caloocan Police North Extension Office. Malubha namang nasugatan ang kasama nitong si PO1 Jaypee Jhon Pagarigan, 28.

Sa inisyal na ulat ng pu­lis­ya, naganap ang insidente dakong alas-9:30 ng gabi sa kahabaan ng Doña Aurora St., Dulong Barrio Concepcion, Brgy. 188 Tala ng natu­rang lungsod kung saan nga nagsasagawa ng surveillance ang dalawang pulis sa galaw ng hinihinalang sindikato ng iligal na droga.

Sinundan ng dalawang pulis ang dalawang lalaki na kahina-hinala ang kilos­.  Ngunit bago pa man maka­lapit, pinaputukan na ang mga ito  ng mga armadong lalaki dahilan para mapuruhan si Pacheco na agad na nasawi habang sugatan si Pagarigan. Nakaganti naman umano ng putok si Pagarigan at isa sa mga salarin ang posibleng tina­maan ng bala.

Ayon kay Caloocan City Police chief, Senior Supt. Bar­tolome Bustamante na kilalang talamak ang lugar sa bentahan ng iligal na droga at mas lalong paiigtingin nila ang kampanya laban sa mga sindikato na nag-o-ope­rate sa naturang barangay.

Patuloy naman ang follow-up operation ng pulisya upang madakip ang mga salarin.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with