^

Metro

Pook leader niratrat ng tandem

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nasa kritikal na kondisyon ang isang lalaki na Pook Leader sa Caloocan makaraang pagbabarilin ng mga hindi pa nakikilalang salarin, Lunes ng gabi.

Isinugod sa Far Eastern University (FEU) Hospital ang biktimang si Dandy Ortilla, 40, ng Phase 8B Package 2 Block 25 Lot 16 Bagong Silang, ng naturang lungsod.

Sa ulat ng Caloocan City Police, dakong alas-6:45 ng gabi nang maganap ang pamamaril sa harapan ng bahay ng biktima. Nakaupo si Ortilla nang dumating ang dalawang salarin na lulan ng motorsiklo at agad na pinagbabaril ang biktima.

Mabilis na tumakas ang mga salarin nang duguang bumagsak ang biktima.

Narekober ng pulisya ang limang basyong bala buhat sa kalibre .45 na baril habang inaalam pa ang motibo sa krimen.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with