^

Metro

People Power Commission kinondena ang pambababoy sa monumento

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Kinondena ngayong Martes ng EDSA People Power Commission ang ginawang pambababoy sa People Power Monument na nilagyan ng graffiti.

Sinabi ng kanilang tagapagsalita na si Celso Santiago na hindi kinakailangang lumabag sa batas upang makapagpahayag ng suporta.

"Ginagalang ko ang kalayaan ng bawat isa na magpahayag ng kanilang saloobin at mangampanya para sa kanilang kandidato. Pero hindi na tama ang lumabag sa batas para gawin ang mga ito," sabi ni Santiago.

Sa isang post sa Instagram ni Justin Gunnacao (justgunnacao) ay nakasulat ang "MARCOS PA RIN!" sa monumento ng People Power sa panulukan ng EDSA at White Plains Avenue sa Barangay Camp Aguinaldo, Quezon City.

Ginawa ni Eduardo Castrillo ang monumento noong 1993 na nagsisilbing tanda ng pagwawakas ng martial law ni dating Pangulo Ferdinand Marcos, 30 taon na ang nakararaan.

Sa kasalukuyan ay tumatakbong bise presidente ang anak ni Marcos na si Sen. Ferdinand Marcos Jr.

Iniimbestigahan na ng Quezon City Police District ang pambababoy sa Monumento.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with