^

Metro

Lumabag sa Comelec gun ban, lumobo sa 1,000

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Sa kabila ng mga paulit-ulit na paalala ng pamunuan ng Philippine National Police (PNP) sa publiko hingil sa mahigpit na pagpapatupad sa gun ban na ipinapatupad ng Commission on Elections, tila binabalewala pa rin ito, makaraang lumubo na sa mahigit 1,000 ang naaresto dahil sa naturang paglabag simula noong ipatu-pad ito noong January 10, 2016.

Base sa huling datos ng PNP na inilabas ganap na alas-7:41 ng umaga kahapon, umabot na sa 1,004 katao ang kabuuang naaresto dahil sa nasabing paglabag.

Sa nasabing bilang, hindi pa rin nagpapatinag sa unang puwesto ang mga sibilyang naaresto na nagtala ng 965, sumunod ay ang mga security guard na nagtala ng 15, habang pumangatlo naman ang government o elected official na nagtala ng 10. Pang-apat sa puwesto naman ang hanay ng PNP na nagtala ng pito, habang lima naman ang LEA at panghuli ang CAFGU na may dalawa.

Ayon sa PNP, nadagdagan din ang bilang ng mga naku-kum­piskang baril na umabot na sa 810, habang 9,169 naman ang kabuuang bilang ng deadly weapon na kung saan ay na-nguna ang bala na umabot sa 8,810, sumunod ang patalim 277, Granada 43, replica ng baril 30, at iba pang pampasabog na nagtala ng siyam.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with