^

Metro

Kuta ng mga kriminal sinalakay, 11 tiklo

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Arestado ang 11 katao kabilang ang hinihinalang dalawang lider ng dalawang “gun-for-hire syndicate” sa pagsalakay ng pulisya sa kuta umano ng mga kriminal sa Taguig City kahapon ng umaga.

Dakong alas-2 ng mada-ling-araw nang salakayin ng pinagsanib na puwersa ng Criminal Investigation and Detection Group, National Capital Region Police Office at Highway Patrol Group ang pitong target na bahay sa Barangay Pinagsama, sa naturang lungsod makaraang makatanggap ng impormas-yon ang pulisya sa pagtatago sa lugar ng mga kriminal na sangkot sa pamamaslang.

Kabilang sa mga nada-kip sina Jose Cabeza at Noel Ismael, mga pangunahing suspek sa pamamaslang kay Cagayan Regional Trial Court Judge Andres Cipriano noong Mayo 2010. Nabatid din na si Cabeza ang lider ng isang gun-for-hire na sindikato.

Naaresto rin ang isa pang hinihinalang lider ng isa pang gun-for-hire na grupo na si Wilson Polo sa isa sa mga bahay.

Isang police trainee na nakilalang si Eugene Arreg­lado at Private First Class Philipp Abad ng 51st Army Engineering Brigade ang nadampot din sa naturang operasyon.

Kinilala ng pulisya ang iba pang nadakip na sina Ranil Ulojan, Jack Anthony de Guzman, Florante Jose Hall, Benedicto Hall, Jeffrey Amor, at Richard Santiago.

Nakumpiska ng mga pulis sa sinalakay na mga bahay ang limang iba’t-ibang uri ng baril, tatlong M203 grenade, tatlong hand grenades, mga bala at magazine, at nasa 100 gramo ng shabu at paraphernalia.

Bukod sa mga kinakaharap na kaso, nahaharap din ngayon ang mga nadakip na suspek sa kasong illegal possession of Firearms, Ammunitions and Explosives at Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with