^

Metro

Mag-dyowa nag-away sa taxi, tinangayan ng bagahe

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Itinakas ng isang taxi driver ang mga bagahe ng isang magkasintahan makaraang umano’y posibleng  mapikon sa eksenang pag-aaway ng dalawa  sa loob at labas ng sasakyan, kahapon ng madaling araw sa Pasay City.

Hinahanting na ngayon ng pulisya ang taxi driver na nakilala sa pamamagitan ng kanyang identification card na si Alberto Pestano, ng Cayaon Transport, na inireklamo nina Abdurahman Mutairi, 30, at ng kasintahan na si Mia Lou Gilbert, 25.

Sa sumbong ng da­lawa, naganap ang insi­dente dakong alas-3:45 ng madaling araw sa may Celeridad Street, Pasay. Sumakay umano sila sa Cayaon taxi (TYM-165) na minamaneho ni Pestano sa kanto ng Burgos Street, Makati City at nagpahatid sa Aurora Street, Pasay.

Inilagay ng dalawa ang kanilang bagahe sa compartment ng taxi.  Habang bumibiyahe, nag-umpisang magtalo ang dalawa nang magalit sa hindi mabatid na dahilan ang babae at pinahinto ang taxi sa may Celeridad Street saka bumaba.  Sumunod naman ang lalaki hanggang sa kalsada magtalo at magsigawan ang mga ito.

Muli namang sumakay ang magkasintahan at tuluyang naihatid sila sa Aurora Street.  Ngunit nang pinabubuksan na ang compartment, pinaharurot na ng tsuper ang taxi tangay ang bagahe ng mga pasahero.

Natangay ng driver ang nasa Saudi Riyal na aabot sa P10,000, ATM card ng Alrajhi bank, cellphone na nagkakahalaga ng P13,000 at pasaporte ng biktima gayun din ang iba pang mamahaling gamit.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with