^

Metro

Tsinoy na miyembro ng drug syndicate, tiklo

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nahuli ng mga ele­mento ng Quezon City Police District sa ilalim ng ‘Oplan Lambat Sibat’ ang isang Filipino-Chinese na pinaniniwalaang miyembro ng  isang bigtime drug syndicate makaraang mahulihan ng mga baril  sa lungsod.

Kinilala ni QCPD director Chief Supt.Edgardo G. Tinio ang suspek na si  Mike Ngo, 47 , ng  Major Dizon St., Industrial Valley, Marikina City.

Sa report ni QCPD PIO chief P/Chief Insp. Jeffrey Bilaro, ganap na alas - 10:30 kamakalawa ng gabi nang arestuhin si Ngo na nakumpiskahan ng mga baril sa isinagawang raid ng mga awtoridad sa may Crest Apartelle sa Annapolis St., Cubao, Quezon City.

Nabatid na si Ngo ay miyembro ng bigtime drug syndicate na kumikilos sa National Capital Region (NCR) na matagal nang pinag­hahanap.

Lumitaw sa imbestigasyon na ang suspek ay may warrant of arrest mula  sa korte dahil sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o  Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.

Bago ang paghuli kay Ngo, isang  confidential informant ang nagturo sa kinaroroonan nito.

Nasamsam ng mga operatiba ng QCPD – DSOU sa suspek ang isang kalibre .22 na baril na may lamang walong piraso ng bala, isang kalibre .357 na baril na may lamang anim na bala na nakuha mula sa loob ng kanyang Toyota Altis (WSI-499).

Kasong paglabag sa RA 10591 o Comprehensive Law on Firearms and Ammunitions Act at paglabag sa election code o gunban ang isinampa laban kay Ngo.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with