^

Metro

P60K hanggang P100K puwedeng matanggap Back pay allowance ng mga guro sa Makati City, ibibigay sa Marso

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nasa 3,250 public shool teachers  sa Makati City ang tatanggap ng P60,000 hanggang P100,000 back pay allowance bawat isa sa darating na Marso.

Ito ang ipinahayag kahapon ni Makati City  Ma-yor Romulo “Kid” Peña Jr.

Sinabi ni Peña naglaan ang pamahalaang lokal ng P170 million upang maibigay ang mga benepisyo ng mga guro sa susunod na buwan matapos lagdaan nito  ang Makati School Board Resolution dakong alas- 11:00  kahapon ng umaga sa harapan ng mga mamamahayag.

Nakapaloob sa resolusyon ang alokasyong mahigit sa P499 million para sa kailangang edukasyon at allowances ng mga guro at estudyante sa 29 public elementary schools at 10 high schools.

Bibili ang Makati government ng tablet PCs, charging cart, mga sapatos ng mga estudyante sa Grades 7 hanggang 11 at athletic jackets para sa teaching at non-teaching personnel.

Ang teaching and non-teaching personnel ay tatanggap din ng P117,000 back allowances mula noong 1998 hanggang 2014 kung saan ang bawat isa ay makakakuha ng P500 kada buwan na back pay.

“We are doing everything we can in the best interest of the teachers and students that are central to lift up their confidence and morale,and getting the pupils ready as the next generation of leaders”,” ani  ni Peña.

Bukod pa rito, naglaan din ng mahigit P132 mil­­yong pondo para sa renovation at pagsasaayos ng gusali ng pampublikong paaralan sa siyudad.

Kinuha ang pondo para sa supplemental budget mula sa savings at surplus noong 2015 ng pamahalaang lungsod ng Makati.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with