^

Metro

Sa Caloocan Shabu tiangge sinalakay: 4 arestado

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Apat na hinihinalang mga kilabot na tulak ng iligal na droga ang na-dakip sa ikinasang ope­rasyon ng Northern Police District- Criminal Investigation and Detective Management Group sa hilera ng mga bahay na ginagawang shabu tiangge sa Caloocan City.

Nakilala ang mga  na­aresto na sina Ba-shier Tarusan Alluya, 45-53 anyos; Salic Masmar, 36; Malic Bala at Camar Mama, pawang mga residente ng Sampaloc Street, Muslim area, Brgy. Camarin, ng naturang lungsod.

Sa inisyal na ulat, dakong alas-4 ng mada-ling araw nang ikasa ng CIDG ang operas­yon sa naturang lugar at upang arestuhin ang anim na target ng Warrant of arrest kabilang sina Tarusan Alluya, Masmar at Bala.

Matagumpay na na­sakote sina Alluya, Masmar at Bala nang mapasok ang anim na magkakadikit na bahay ng mga pulis na naka-full battle gear.

Nadakip naman si Mama nang nagtangkang tumakas sa loob ng bahay ng isa sa mga target na si Usman Macadatu. Itinanggi naman ni Mama na siya si Macadatu ngunit dinakip pa rin ito ng mga otoridad para sa berepikasyon.

Nakumpiska ng pu­lisya sa bahay ni Tarusan Alluya ang isang kalibre .45 baril, 2 pakete ng hinihinalang shabu; habang isang espada at kalibre .9mm pistol naman ang nakumpiska kay Bala.

Ayon sa pulisya, notoryus na umano ang lugar sa lantarang bentahan ng iligal na droga habang sa loob na rin ng mga bahay nagsa-sagawa ng pot session ang mga parukyano.

Estilo rin umano ng mga suspek ang magpautang sa mga kapitbahay at kapag hindi nakabayad ay sasamsamin ang mga gamit sa bahay at ma-ging mga lupa. Ang mga suspek rin ang tinitignan na posibleng sangkot sa dalawang kaso ng pagpatay sa lugar.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with