^

Metro

KFR leader, nagne-negotiate ng ransom kahit nakakulong

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sa kabila ng   nakapiit  sa New Bilibid Pri-son (NBP) ay patuloy pa rin ang kriminal na aktibidad ng isang convicted na lider ng kidnap for ransom (KFR)  na nadiskubreng nakikipagnegosasyon ng ransom sa pamilya ng mga kidnap victims na hawak ng kanilang sindikato.

Ito ang ibinulgar kahapon ni PNP-Anti-Kidnapping Group (PNP-AKG) Director P/Sr. Supt. Roberto Fa­jardo sa ikaapat na taong anibersaryo ng pagka­katatag ng kanilang tanggapan.

Ayon kay Fajardo  sa kabila ng nakapiit ang nasabing lider ng KFR gang na nasa maximum security compound sa Bilibid ay hindi nito inabandona ang kriminal na aktibidad. Ito pa mismo ang nakikipagnegosasyon sa ransom sa pamilya ng mga kidnap victims kapalit ng kalayaan ng mga ito.

Tinukoy naman ni Teresita Ang See, Presidente ng Movement for Restoration of Peace and Order na ang nasabing lider ng KFR ay si Jerry Pe­pino na kamakailan lamang ay tinibag ng mga operatiba ng National Bilibid Prison ang jacuzzi sa Bilibid .

Sa tala si Pepino na lider ng KFR gang ay sangkot rin sa illegal drug syndicates ay naaresto noong 1997 sa Cebu City at na-convict noong Oktubre 9, 2000 ng Quezon City Regional Trial Court (RTC) matapos itong hatulan ng reclusion perpetua.

Magugunita na dinu­kot ng grupo ni Pepino ang Filipino Chinese na si Anita Ching noong Oktubre 1997 sa Quezon City kung saan hini­ngan ng milyong ransom ang pamilya nito na naibaba sa P 500,000.

“What is bad is there was even a kidnapper who is negotiating although he was already behind bars, he was at the Bilibid,” ayon pa kay Fajardo na sina-bing dapat tanggalan ng cellphone ang mga convicted na lider ng mga sindikatong kriminal partikular na ang sangkot sa kidnapping for ransom.

Idinagdag pa ni Fa­jardo na patuloy ang kanilang operasyon laban sa mga kidnapping syndicates na nag-o-operate sa bansa.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with