^

Metro

Rider nabundol, nakaladkad ng van

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Agad na nasawi ang isang motorcycle rider makaraang mabundol at makaladkad pa ng isang service van ng isang kompanya sa panulukan ng isang highway sa Caloocan City, kamakalawa.

Hindi na umabot ng buhay sa Caloocan City Medical Center dahil sa matinding pinsala sa ulo at katawan ang biktimang si John Anthony Callueng, 45, binata, ng Hernandez Street, Brgy. Catmon, Malabon City.

Naaresto naman ng pulisya si Butch Garcia, 35, ng GMA, Cavite, at tsuper ng Mitsubishi L-300 FB van na nakarehistro sa United Steel Master Mfg. Corporation.

Sa ulat ng Caloocan City Police, binabagtas ni Callueng ang 9th Avenue dakong alas- 8:30 ng umaga nang mabundol ng FB van pagsapit sa Boni Serrano Avenue sa Brgy. 108.

Pagkabagsak, nakaladkad pa ng higit 20 metro ang biktima bago tuluyang nakahinto ang behikulo.

Isa sa “accident prone” ang Boni Serrano Avenue sa Caloocan dahil sa kawalan ng sapat na mga traffic lights sa mga intersection habang matutulin ang takbo ng mga motorsiklo sa lugar.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with