PUP professor ninakawan na, pinatay pa
MANILA, Philippines – Patay ang isang college professor ng Polytechnic University of the Philippines (PUP) matapos itong pagnakawan at pagsasaksakin ng hindi pa nakikilalang salarin sa loob ng tinitirhan nitong condominium sa Pasay City, kamakalawa ng gabi.
Kinilala ang nasa-wing biktima na si Isagani Santa Maria, 57, ng Geenery Buil-ding, One Metropolitan Condominium, na matatagpuan sa Edang St., Brgy. 153, Zone 16 ng naturang lungsod. Nagtamo ito ng maraming saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan.
Nagsasagawa pa ng follow-up operation ang pulisya para sa pagkakakilanlan ng suspek at agarang pagdakip dito.
Ayon kay Senior Supt. Joel B. Doria, hepe ng Pasay City Police, alas-7:55 ng gabi nang matagpuan ang bangkay ng biktima sa loob ng condo unit nito ng kanyang mga kasamahan sa simbahan na sina Daniel Alingeg, 48, isang freelance photographer at Gina Nuñez, 38.
Nabatid kay Doria na pinuntahan nina Alingeg at Nuñez ang biktima sa condo unit nito kung saan tumambad sa kanila ang duguang si Santa Maria.
Kaagad nila itong ipinagbigay-alam sa mga awtoridad.
Kwento ng guwardya ng condominium, bago ang pagkakadiskubre sa bangkay ng biktima, mag-aala-6:00 ng gabi nang makita na ang huling kasama ni Santa Maria ay lalaking pedicab driver.
Inihatid ang biktima ng pedicab driver sa unit nito na bitbit ang isang plastic na naglalaman ng pinamili ng una.
Nabatid na nawawala ang wallet at cellphone ng biktima.
Nabatid na si Santa Maria ay college professor sa PUP, mag-isa lang itong nakatira sa naturang condomi-nium at matagal na itong hiwalay sa asawa na nagtra-trabaho sa ibang bansa.
Sa ngayon ay nagsasagawa pa ng malalimang imbestigasyon ang pulisya hinggil sa insidente.
- Latest