^

Metro

‘Kubol hotel’ sa Bilibid, giniba

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Denimolis  ang isang ku­bol na nagmistulang hotel ng mga “vip” inmates sa ika-17 ‘Oplan Galugad’  na isinagawa ng raiding team ng Bureau of Corrections (BuCor) sa maximum security compound ng New Bilibid Prisons (NBP) sa Muntinlupa City.

  Ayon kay BuCor Director Retired General Rainier Cruz III, alas-6:00 ng umaga nang gibain ang may dalawang palapag na “Kubol Hotel” na pag-aari ni Alex Chen, isang Chinese national.         

Ang  nasabing kubol hotel ay espesyal na lugar na may amenities para sa kaginhawahan at kasiyahan ng mga “vip” inmates. 

Bukod sa isinagawang pag-demolis sa kubol na itinuturing hotel ng mga “vip” inmates, nakakumpiska na naman ng ibat-ibang kontrabando ang naturang raiding team. 

Nakumpiska ang mga  flat television, DVD players, mobile phones, chargers, baril, air condition, sex toys at shabu.

 Ayon sa Bucor, hindi nila tatantanan ang pagsasagawa ng Oplan Galugad sa mga kubol ng mga preso hanggang sa maubos nilang kumpiskahin ang mga ibat-ibang uri ng kontrabando.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with