^

Metro

Trak-trak pa ng mga campaign materials, nahakot ng MMDA

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Sa ikalawang araw ng isinasagawang ‘Oplan Baklas’ ng MMDA, muli  silang nakahakot ng trak-trak na  campaign materials sa isinagawang pagbabaklas sa ilang lugar sa Kalakhang Maynila.

 Kahapon ay sinuyod ng MMDA ang ilang mga lugar sa Maynila at Quezon City.

Habang sinusuyod ang kahabaan ng Road 10 sa Tondo gayundin sa Morio­nes tumambad sa kanila ang nagkalat  na  mga campaign posters matapos ang isinagawang proclamation rally kamakalawa ng gabi ng grupo ni Davao Mayor Rodrigo Duterte at ang running mate nito na si Senador Peter Alan Cayetano.

Maging ang kahabaan ng Padre Burgos patungong Quiapo kasama ang Plaza Miranda ay tadtad rin ng  mga campaign materials dahil sa idinaos na rally naman nina Senators Grace Poe at Chiz Escudero.

 Bukod sa Maynila, tinu­ngo rin ng grupo ang bahagi ng Quezon City partikular   sa may Roosevelt hanggang Congresional Avenue sa Quezon City na kung saan marami ring nakasabit na campaign posters na labas sa common poster area.   

Nabatid na sa unang araw ng “Oplan Baklas Ope­ration”, umabot sa isang truckload  ng mga  campaign posters at streamers ang nahakot  ng ahensiya.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with