^

Metro

Road re-blocking sa EDSA maagang inabiso ng MMDA

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Asahan ang mabigat na daloy ng trapiko sa ilang lugar ng Metro Manila nga­yong weekend dahil tuloy pa rin ang road re-blocking at repairs  na isinasagawa ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa ilang lansangan.

Base ito sa abiso kaha­pon ng Metropolitan Mani­la Development Authority (MMDA).

Pangunahing apektado ng road reblocking ay ang kahabaan ng EDSA harapan ng Camp Crame, 3rd lane mula sidewalk at ang kahabaan ng C.P.Garcia St., pagitan ng Ma. Regidor at Florentino, 2nd lane mula sidewalk.

Gayundin ang kaha­ba­an ng EDSA harapan ng Camp Aguinaldo, 5th lane mula sidewalk.

Alas-10:00 Biyernes ng gabi sisimulan ang road re-blocking at matatapos ito sa Lunes (Pebrero 15) ng alas- 5:00 ng madaling-araw.

 Bukod dito, simula sa darating na Linggo (Pebrero 14) isasara rin ang ilang bahagi ng EDSA bilang bahagi sa paghahanda sa pagdiriwang ng ika-30th EDSA People Power Revolution sa Pebrero 25.

Simula Pebrero 14, sa­­­­rado na ang bahagi ng Katipunan Avenue Extension west bound portion, ito’y mula White Plains o Temple Drive patungong EDSA kaya  payo ng MMDA sa mga sasakyang papuntang EDSA na gamitin  ang eastbound portion.

Hanggang Pebrero 29 umano sarado ang naturang bahagi ng EDSA.

 Samantala, Pebrero 25, araw ng anibersayo ay sarado ang buong EDSA mula Ortigas hanggang Santolan gayundin ang Katipunan Avenue extension.

Magkakaroon naman ang zipper lane sa southbound portion sa mismong araw ng anibersaryo para maaring mag-counter flow ang mga northbound vehicles.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with