Preso, tumalon mula 2nd floor ng Manila City Hall
MANILA, Philippines – Dobleng kamalasan ngayon ang sinapit ng isang pre-so nang magkaroon ng bali sa katawan matapos tumalon mula sa ikalawang palapag ng Manila Prosecutors’ Office sa Manila City Hall.
Naging mabilis naman ang responde ng mga tauhan ng Manila Action and Special Assignment (MASA) nang magulat sa pagbagsak sa inner court ni Raul Basco, 44 residente ng Singalong St. Malate, Manila. Agad na dinala sa Ospital ng Maynila si Basco.
Lumilitaw na nakatakdang i-inquest si Basco nina PO3 Perlita Garcia, ng MPD-PS9 Women’s and Children Protection Division at Barangay Kagawad Rolando Navarro dahil sa kasong paglabag sa Republic Act 9262 (Violence Against Women).
Laking gulat nina Garcia at Navarro nang pagsapit sa Prosecutors’ Office sa ikalawang palapag ng city hall ay biglang tumakbo at umakyat sa bintana si Basco at saka tumalon at bumagsak sa semento ng inner court ng city hall.
- Latest