^

Metro

2 pasaway na jeepney driver, pinatatanggalan ng lisensiya ng LTFRB

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Inirekomenda ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa Land Transportation Office (LTO) na tanggalan ng drivers license ang dalawang pasaway na driver na naireklamo sa ahensiya.

Ito ay kahit humingi na ng tawad ang dalawang driver sa isinagawang hearing kahapon sa LTFRB at sa mismong mga na­biktima nang pagiging pasaway, arogante at kaskasero ng mga ito sa pagmamaneho.

Kahapon ay dumalo sa naipatawag na hearing ng LTFRB ang driver na si Carlos Tabalanza Sumugat ng Caloocan City na naireklamo sa ahensiya nang mambastos sa isang bulag na senior citizen na pasahero  nito noong January 22, 2016 habang ipinapasada ang passenger jeep na may plakang TWD 743 sa kahabaan ng Bagong Silang, Caloocan City.

Sa pagdinig, halos mangiyak-ngiyak si Sumugat na umamin sa kasalanan at mabilis na humingi ng tawad kay LTFRB boardmember Ariel Inton at sa biktimang si Lola Rosa Domingo ng Bagong Silang Caloocan na ipinahiya pa noon  ng naturang driver habang sakay nito noong Enero.

“Pasensya na po lola, nagawa ko lang yun sa inyo kase mainit ang ulo ko nung time na yun” sabi ni Sumugat sa matanda.

Hindi naman siya ininda ng matanda.

Ang ikalawang driver na sumalang sa hearing ng LTFRB na si Edmund Pantaleon ng Aguilar Pangasinan ay humingi din ng tawad sa ahensiya. Si Pantaleon ay naireklamo sa LTFRB dahil sa pagiging kaskasero sa pagmamaneho noong February 5, 2016 sa may Sauyo Road sa Quezon City  na naglagay sa alanganin sa buhay ng lima nitong pasahero.

Ani Pantaleon sa hearing, galing siya sa burol  sa isang kaanak na namatayan kayat siya ay mabilis magpatakbo ng sasakyan.

“Bagamat humingi sila ng tawad sa amin sa LTFRB at sa mga biktima nila ay inirerekomenda pa rin ng ahensiya na tanggalan sila ng lisensiya dahil sa pagiging bastos, kaskasero at paglalagay sa panganib sa kanilang pasahero”, pahayag ni Inton.

 Nanawagan din si Inton sa mga operator ng mga pampasaherong sasakyan na pumili ng disiplinadong driver upang mapa-ngalagaan ang kapakanan ng kanilang mga pasahero.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with