^

Metro

60 CCTV ikinabit sa Bilibid

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Para mamonitor ang bawat galaw ng mga preso at mga prison guard, nasa 60 bilang ng close circuit television (CCTV) cameras ang idinagdag sa ma­ximum security compound ng New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City.

Ayon kay NBP Supt. Ri­chard Schwarzkopf Jr., layunin nito ay upang ma-monitor ang bawat galaw ng mga inmate at mga prison guard na nagbabantay sa mga ito.

Ito ay dahil na rin  sa sunud-sunod na pagkakakumpiska ng mga kontrabado dito sa kabila ng mahigpit na seguridad na pinatutupad.

Aminado naman ang pamunuan ng NBP, na hindi sapat ang mga CCTV camera para ma-monitor ang bawat galaw ng mga ito dahil nasa 15,000 ang bilang ng mga preso na nakapiit sa maximum security compound, samanta­lang ang kapasidad lamang  nito ay nasa 6,000.

Matindi pa rin umano ang kakulangan sa manpower sa piitan na ito nga ang kanilang hinihiling para madagdagan.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with