Kasunod ng Taiwan quake Manila-wide disaster readiness, pinaigting
MANILA, Philippines – Pinaiigting ngayon ni Manila Mayor Joseph Estrada ang disaster readiness sa buong Maynila kasunod ng 6.7 magnitude quake na tumama sa Taiwan nitong Linggo, Pebrero 7.
Ayon kay Estrada, inatasan niya ang lahat ng opisyal at kawani ng Manila LGU na tiyakin ang kahandaan ng buong lungsod sa anumang posibleng maging epekto ng Taiwan quake at sa posible ring pagkakaroon ng disaster mismo sa lungsod.
Paliwanag ng alkalde, ang komprehensibong disaster readiness program ng Maynila ay naisakatuparan bunsod ng naging maayos na pinansyal ng lungsod dahil na rin sa pinagbuting revenue collection at tamang pangangasiwa ng pondo.
Sabi naman ni Johnny Yu, Head ng Manila Disaster Risk Reduction Management Office (MDRRMO), ilan sa mga disaster readiness equipment na agad na bindle ay rescue boats, search and rescue equipment, amphibious trucks at rescue vans.
Magkakaroon din ng 2nd Manila Disaster Conference 2016 at mayroong disaster awareness trainings sa bawat barangay sa darating na Marso at inaasahang lahat ng 896 barangays ng lungsod ay lalahok, dagdag ni Yu.
- Latest