^

Metro

Binatilyo todas sa gang war

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Isang binatilyo ang nasawi sa naganap na gang war, kahapon­ ng madaling-araw sa Tondo, Maynila.

Saksak sa kaliwang dibdib ang  tinamo ni Jomar Hermano, 15, out of school youth. Namatay ito habang nilalapatan ng lunas sa Justice Jose Abad Santos General Hospital (JJASGH).

Tumakas naman ang suspek na nakilala sa alyas na Eric Sar­miento at iba pang kasamahan nito sa grupo.

Lumilitaw sa imbestigasyon ni SPO3 Milbert Balinggan ng Manila Police District-homicide section na naganap ang insidente dakong alas-3:13 ng madaling-araw sa may Zaragosa corner Delpan­ Sts. Tondo, Maynila.

Sa impormasyon nakuha ng pulisya, naglalakad ang biktima papauwi nang madaanan ang grupo ng mga suspek na aabot sa pitong katao.

Bigla na lamang nagkaroon ng riot sa magkabilang panig hang­gang masaksak ang biktima. Nang makitang napuruhan ang bik­tima ay agad namang nagsitakbo ang mga suspek sa iba’t ibang direksiyon. Nagsagawa naman ng follow-up operation ang pulisya pero nabigo na madakip ang suspek.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with