^

Metro

Sa Makati City OSC,OSY hinikayat bumalik sa pag-aaral

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nanawagan kahapon si Makati City Mayor Romulo “Kid” Peña sa mga magulang na hikayatin ang kanilang mga anak na ipagpatuloy ang kanilang pag-aaral upang magkaroon ng magandang kinabukasan at magkaroon ng tsansang makapagtrabaho sa lungsod.

Ang panawagan ni Peña ay ini-a-address nito sa mga magu­lang na may mga anak na out-of-school children (OSC) and out-of-school youth (OSY).

Hangga’t  maaga aniya ay magpatala na ang mga ito, na sinimulan na noong nakaraang Enero 30 hanggang Pebrero 29, 2016 para makapag-avail aniya ang mga ito ng mga benepisyong ibinibigay ng pamahalaang lungsod ng Makati.

Tiniyak din ng alkalde sa mga residente ng Makati na ang 27 public elementary schools at 10  high schools ay tatanggap ng mga enrollees mula Lunes hanggang Biyernes (alas-8:00 ng umaga hanggang alas-5:00 ng hapon).

Bukas din aniya ang pagpapatala para sa klase ng Special Education (SPED) and Alternative Learning System (ALS) upang maibigay ang mga pangangailangan lalu na pagdating sa edukasyon ang estudyanteng may special na kondisyon.

Ang tema ng programa ay “Makapag-aral ay Karapatan Mo, Magpalista,” para sa maagang pagpapatala, na ang target nito ay ang mga  incoming kinder, grades 1-7 at yung mga kabataang hindi nakapag-aral at tumigil sa pag-aaral dahil salat sa pera. Ang naturang programa ay isa sa “10 points” agenda ng alkalde­, na ang layunin, na ang bawat isang pamilya sa Makati ay mayroong college diploma at magkaroon ng tsansang makapagtrabaho sa lungsod at ng sa gayun ay umangat ang buhay nito.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with