^

Metro

Unang araw ng kampanya, trapik dulot sa motorista

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nagdulot ng mabigat na daloy ng trapiko sa ilang pa­ngunahing lansangan ng Ka­lakhang Maynila ang unang araw ng kampanya ng mga kandidato.

Sa monitoring ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), matinding trapik ang naranasan parti­kular ng mga motoristang papasok ng Maynila.

Ito ay dahil na rin sa isinagawang proclamation rally ng grupo ni presidential candidate Senador Grace Poe at ang tumatakbong bise nito na si Sen. Chiz Escudero sa ilalim ng ‘Gobyernong may Puso’ sa Plaza Miranda, Quiapo, Maynila.

Walang anumang abiso ay isinara ng Manila Traffic Bureau ang parte ng Morayta papuntang Quiapo at dinivert ang lahat ng sasakyan patu­ngong FEU Recto.

Nagkabuhol-buhol ang mga nabiglang motorista sa pagsasara ng kalsada.

Samantala, alas-3 naman ng hapon nang magsagawa ng proclamation rally sina Mayor Duterte at Sen. Peter Alan Cayetano sa Plaza Morga sa Tondo, Maynila kaya lalu nang walang masulingang da­­anan ang mga motorista.

Sa Mandaluyong City naman isinagawa ang rally ng UNA na pinangunahan ni pre­sidential candidate Jejomar Binay at ka-tandem nitong si Sen. Gringo Honasan na sinasabing nagdulot din ng matin­ding trapik.

Bukod, dito, nakadagdag din ng matinding trapik ang isinasagawang road re-blocking sa area ng EDSA-Ortigas at sa Gil Puyat Avenue-Os­meña Highway sa Makati City, patungong Maynila.

Pasado alas-6:00 pa lang ng umaga kahapon ay matrapik na simula sa Alabang, Muntinlupa patungong EDSA at Maynila.

Hindi lamang ang kaha­baan ng South Luzon Expressway (SLEX) ang matrapik maging ang bandang itaas ng Skyway ay halos dulo sa dulo ang bigat ng daloy ng trapiko.

Walang mapuntahan ang mga motorista, dahil maging sa mga service road ay “bumper to bumper” ang trapik.

Nabatid, kahapon araw ng Martes ang unang araw ng arangkada ng mga kandidato para sa kanilang pangangampanya.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with