^

Metro

Dagdag-bawas sa presyo ng petrolyo

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nagpatupad ngayong araw na ito, Martes (Pebrero 9) ng dagdag-bawas presyo ng produktong petrolyo  ang ilang kompanya ng langis.

Pinangunahan ito ng Pilipinas Shell at Petron, na  nagbaba sa presyo ng kanilang gasolina ng  P0.70 kada litro, habang tumaas naman ang presyo ng  Kerosene  na nasa P1.05 kada litro at presyo ng diesel na tumaas sa  P0.95  kada litro.

Ang pagpapatupad ng dagdag-bawas ay epektibo ng alas-6:00 ng umaga.

Nabatid kina  Ina Soriano, ng Pilipinas Shell at Raffy Ledesma, ng Petron, ang pinatupad na  dagdag-bawas sa produktong petrolyo ay bunsod ng paggalaw ng presyuhan  nito sa pandaigdigang pamilihan.

Inaasahan naman na susunod na rin ang ilan pang kompanya ng langis, na may kaparehong halaga.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with